Friday, January 14, 2005

Nominations for Salita ng taon (Word of the year)


(From the UP Creative Writing Center)

Sa Agosto 2005, bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Filipino, muling idaraos ng Filipinas Institute of Translation ang pagtalakay sa magiging salita ng taon. Inaanyayahan ang lahat na mag-isip-isip na na kanilang magiging "manok" o nominasyon para sa talakayang ito ng mga manunulat, tagasalin, guro, estudyante, at iba pang tagamasid ng wikang Filipino.

Noong 2004, napiling salita ng taon ang CANVASS na tinalakay ni Randy S. David. Ang iba pang iniharap na salita noong 2004 ay: UKAY-UKAY (Delfin Tolentino Jr.), TSUGI (Rolando B. Tolentino), TSIKA (Rene Facunla), DAGDAG-BAWAS (Romulo P. Baquiran Jr.), DATING (Bienvenido Lumbera), FASHIONISTA (Jimmuel Naval), JOLOGS (Alwin Aguirre at Michelle Ong), KINSE ANYOS (Teo Antonio), OTSO-OTSO (Rene Villanueva), SALBAKUTA (Abdon M. Balde Jr.), TAPSILOG (Ruby G. Alcantara), TERORISTA AT TERORISMO (Leuterio C. Nicolas), at TEXT (Sarah Raymundo).

Kung nais magkaroon ng kopya ng mga nominasyong nabanggit, sumulat lamang sa Sawikaan@googlegroups.com

***

Comment from x-p: 'Di ba it's "chika" and "ocho-ocho"? And shouldn't it be "jolog" for the singular form of "jologs" which is plural?

0 comments: