Thursday, November 22, 2007

Pilipinas: "Bawal ba talaga ang tao rito?"


Pasensya na po, di ko mapigilan, pero kailangan kong magnakaw ng ideya ng iba. Thanksgiving po ngayon sa Amerika kaya wala akong pasok. Bakasyon. Feeling Kano na naman ako. Lagi naman eh. Actually sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, feeling ko Amerikano ako, dahil yun ang kailangan sa trabaho ko. Okay lang naman sana yun kung American din and level ng standard of living ko. Kaso pagtingin ko sa labas ng PC ko, sa labas ng brain ko, iba. Nasa Pilipinas pa rin pala ko. Pilipino pa rin pala 'ko. Kaya wala akong pakialam sa Thanksgiving na yan, not that there's wrong with Thanksgiving. Buti pa nga mga Kano eh, marunong magpasalamat sa Diyos on the official level. Pero sana mas maganda kung nagbabakasyon ako dahil gusto kong i-honor ang sariling bayan ko at magpasalamat na Pilipino ako. Pero hindi eh. Ang sakit-sakit. Sa tanda ko'ng ito, pakiramdam ko pa rin sinusuka ako ng sariling bayan ko. Pakiramdam ko, kinakailangan kong umalis maski na ayaw ko. Buti sana kung ako lang 'to. Ang problema eh hindi lang naman ako ang ganito. Halos lahat - lahat ng mga naiwan dito na naghihirap. Halos lahat ng hindi mayaman at hindi makapangyarihan. Kelan kaya matatapos ang masamang panaginip na ito? Pagod na pagod na ko. Ginawa ko naman ang dapat ah. Nagsilbi ako ng ayon sa maliit na kakayahan ko. Ibinigay ko lahat kahit na wala nang matira sa akin. Sana pag-gising ko bukas, maiba-iba naman.

**

On November 30, four National Artists join forces in a concert to remember the work and words of the extraordinary patriot, Amado V. Hernandez, the country's first National Artist for Literature. Tickets will be available at all Ticketworld outlets. For discounted or group sales, contact the Amado V. Hernandez Resource Center at (02 )412- 0909 or 0916-7900671, or email avhrc_philippines@yahoo.com. See you all there.

(Will be out all day today and tomorrow, so can't entertain comments until weekend.)

2 comments:

sparks said...

yosi lang ang katapat. o toma. o...kung anumang pwedeng pantawid inis, galit, lungkot at hinagpis. may saysay ang buhay! meron.

Baldagyi Hatipoglu said...

awwwww. salamat sparks at napadaan ka.

alam ko yan. may saysay ang buhay.

pero nakakalungkot pa rin, kasi hindi tama ang nangyayari. ang nangyayari, napapawalang saysay ang maganda sanang buhay ng dahil sa kamalian