(Fwdd msg)
Was laughing my head off at this forwarded mail from Erwin:
--------------------------
"Napanood ko ang komersyal sa telebisyon. Gagawa ako ng pantasyang bersyon ko.
Ako MISMO...kung ako ay isang:
Police Officer: Gagawin ko ang sinumpaang tungkulin ko na sinabi ko sa PNPA or PMA. Kapag nasangkot sa katiwalian ang tauhan ko ay hindi dapat kunsintihin at itago sa media. Kung kailangan patalsikin sa serbisyo ay dapat gawin. Ang daming aplikanteng Pilipino na gustong mag-pulis at mas karapat-dapat.
Mayor: Di ako gagastos ng pera ng bayan para magkaroon ako ng "pogi points". Iiwasan ko na gumastos sa tarpaulin para sabihin lang na "Maligayang Fiesta, Happy Graduation, at Merry Christmas". Ibibigay ko na lang sa kawang-gawa at sa mahihirap sa nasasakupan ko.
Governor: (kapareho ng sa itaas) at igagalang ko ang nasasaad sa batas. Ang budget ko para sa office staff ko ay sapat lang at hindi ko isasama ang housemaids, gardeners, at drivers ko.
Congressman: (kapareho ng sa itaas) at gagamitin ko ang pork barrel ko sa tamang proyekto at hindi para paramihin ang SUV ko. Tama na ang Expedition, Pajero, at Hummer sa garahe ko. Di ako gagamit ng convoy para pumunta sa Air Force One at Pegasus KTV Club.
Appointed Government Official: Di ako tatanggap ng suhol sa mga bidders or contractors. Di ko palalakihin ang proyekto tulad ng Diosdado Macapagal Highway, milyones na lamp post sa Cebu, C5 project. Tama na siguro ang kabuktutan na nagawa ko (or namin) sa nakaraang administrasyon.
AFP General: Igagalang ko ang karapatang pantao at pro-protektahan ang sambayanang Pilipino. Serbisyo sa publiko at hindi berdugo.
Ang pantasya ay pantasya, wahahaha... Baka may maidudugtong pa po kayo hanggang humaba. Pass it on hanggang makarating sa dapat patunguhan."
Curiosity makes a person do strange things
-
epic fail pictures - Toilet Fail, poop, microwave, wtf, why, toilet, signs
1 hour ago

0 comments:
Post a Comment